+++ to secure your transactions use the Bitcoin Mixer Service +++

 

Categorized | Staff blog

Video blog

Posted on 11 February 2009 by KMJS admin

Ni Jacqueline Sto. Domingo

Video Blog o Vlog. Tunog pa lang nakaiintriga na.

Ito rin ang inisyal kong impresyon nang ibinigay sa akin ang istoryang ito. Sa una, hindi ko alam kung paano ko pupunan ito ng mga elemento para maging kakaiba sa mga “intenet related” story na nagawa na namin.

Sinimulan ko ito sa pag-unawa kung ano ba ang video blog. Ayon sa mga eksperto, ang video blog ay isang uri ng pagsasalaysay ng isang tao sa kaniyang mga saloobin at pananaw sa pamamagitan ng pagkuha mismo sa sarili niya o sa iba. Maaari itong sa paraan ng pagkokomentaryo, maikling palabas, video diary o music video.

Kinapanayam namin ang kauna-unahang gumawa ng video blog, si Adam Kontras mula pa sa Amerika. Saka namin ipinasok ang iba pang video blogger dito sa Pilipinas tulad nina Kring, Coy, Tim Yap, Foodtrip28 at Gorgoro.

Hindi biro ang pinagdaanan naming hirap para mabuo ang istoryang ito. Matagal na oras ang ginugol ko sa harap ng computer para magsaliksik. Nanibago nga ako dahil kalimitang nasa labas ako at nakikisalamuha sa mga tao para makahanap ng maganda at makabuluhang kuwento. Bloggers ang madalas kong kausap dahil sa kanila ako kumukuha ng fresh ideas na puwedeng isama sa istorya.

Isa sa mga nagustuhan kong elemento sa istoryang ito si Mr. Anthony na kilala bilang Foodtrip28.

an-interview-with-foodtrip28

An interview with Foodtrip28

Hindi mo iisipin na nagsimula lamang sa wala si Anthony. Gamit ang video cellphone, ni-record niya ang mga natutunan niyang luto at gumawa siya ng blog para sa mga kababayan natin sa abroad na walang alam sa pagluluto.

videoblogging1

Foodtrip28 vlogs his latest recipe

Sa pag ri-research ko sa blogsite niya, nalaman ko kung gaano kasikat si Anthony sa abroad at kung gaano kalaki ang epekto niya sa buhay nila. Ilan sa kanila’y mula pa sa Canada, Netherlands, Japan at Singapore.

Masarap pakinggan ang kanilang mga istorya at pasasalamat dahil sa video blog ni Anthony. Ayon sa mga kababayan natin, sa pamamagitan nito umano nalalasahan pa rin nila ang pagkaing Pinoy.

Sinasabing isa ang internet sa may pinakamalaking impluwensya ngayon sa tao. Nagsisilbing isang bukas na oportunidad para sa ilan sa atin na gustong makilala o sumikat. Maaaring isa itong madaling paraan para makamit ng iba ang pinapangarap nilang kasikatan. Ngunit lagi sana nating isipin na gamitin ang teknolohiyang ito para makatulong din tayo sa ating kapwa.

staff-and-crew-of-kmjs-with-foodtrip28s-family

KMJS staff and crew with Foodtrip's family

1 Comments For This Post

  1. sharli Says:

    one of the best ni Bell! almost teh…almost! be strong bellsung!

Leave a Reply